^

PM Sports

Tropang Giga intact ang line-up sa PBA ‘bubble

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — May mga koponang sasabak sa 2020 PBA Phi-lippine Cup na may naiwang player pero ang TNT Tropang Giga, solid team ang kanilang ilalaban.

Inaasahan ng Tropang Giga ang pagkamada ni Fil-Am guard Bobby Ray Parks, Jr. sa kanilang kampan-ya  sa PBA bubble tournament na sisimulan sa Oktubre 11 sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.

Ilan sa mga hindi maglalaro sa PBA bubble dahil sa injury at kapakanan ng kanilang mga pamilya ay sina five-time Most Valuable Player June Mar Fajardo at Matt Ganuelas-Rosser ng San Miguel, Cyrus Ba­guio, Larry Fonacier at rookie AC Saberano ng NLEX,

Ang Magnolia ang unang tropang dumating sa Clark noong Lunes ng hapon kasunod ang TNT Ka-tropa, Terra Firma, Meralco at Phoenix.

Sa kanilang pagdating ay sumailalim ang mga players at team personnel sa RT-PCR tests at kaila-ngang mag-isolate muna sa kani-kanilang mga kuwarto sa Quest Hotel.

Papayagang sumalang sa scrimmages sa Angeles Foundation University Gym ang mga magnenegatibo at ang magpopositibo naman ay dadalhin kaagad sa isang isolation facility.

Kahapon ng tanghali ay dumating naman ang grupo ng Alaska at dumaan din sa parehong proseso bilang pagsunod sa health at safety protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Maliban sa mga Aces, inaasahan din ang pagdating ng mga tropa ng five-time All-Filipino Cup champions San Miguel Beermen, Barangay Ginebra Gin Kings, Rain or Shine Elasto Painters, NLEX Road Warriors, NorthPort Batang Pier at Blackwater Bossing.

Samantala, kumpiyansa ang Terra Firma sa kanilang ipapakita sa torneo sa likod nina CJ Perez at No. 1 draft pick Roosevelt Adams.

“We definitely have a better team now, and that makes us very excited,” pahayag ni Dyip team owner Bobby Rosales, ang PBA Board vice-chairman.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with