Sweep ni Giannis Antetokounmpo
LAKE BUENA VISTA, Florida — Ang makasaysayang taon ni Giannis Antetokounmpo ang nagbigay sa kanya ng makasaysayan ding awards sweep.
Sa ikalawang sunod na season ay hinirang ang Milwaukee Bucks star forward bilang NBA Most Valuable Player.
Nauna na niyang natanggap ang Defensive Player of the Year award.
Ang 25-anyos na si Antetokounmpo ang ikatlong player sa league history na napanalunan ang MVP at Defensive Player of the Year sa parehong season para makasama sina Hall of Famers Michael Jordan at Hakeem Olajuwon.
“Michael Jordan, one of the best players who’s ever done it, if not the best,” wika ni Antetokounmpo. “Hakeem, a guy that I look up to, he came from where I’m from, Nigeria, where I have roots. Just being in the same sentence with them, that means a lot to me.”
Si Antetokounmpo ay nasa kanyang bahay sa Athens, Greece kasama ang kanyang pamilya nang ihayag ang MVP award sa nakuhang 85 votes mula sa 100-kataong panel ng mga global sports writers at broadcasters.
- Latest