Denver-Clippers may Game 7 pa
Denver-Clippers may Game 7 pa
(Pang-masa) - September 15, 2020 - 12:00am

LAKE BUENA VISTA, Florida — Buhay pa ang Denver Nuggets sa NBA Playoffs matapos bumagon mula sa 19-point deficit sa huling 22 minuto para ta-lunin ang Los Angeles Clippers, 111-98 sa Game Six ng kanilang Western Confe­rence semifinals series.

Kumolekta si center Nikola Jokic ng 34 points, 14 rebounds at 7 assists para itabla ang Denver sa 3-3 sa kanilang best-of-seven semis showdown ng Los Angeles Clippers at makahirit ng deciding Game Seven.

“I’m running out of adjectives, superlatives, whatever you want to call it to speak on our team,” wika ni Nuggets coach Michael Malone. “That is a tough, resilient group of you-know-whats. I love our team. I love our team. I love our toughness.”

Ang mananalo sa pagitan ng LA Clippers at ng Denver ang siyang haharap sa LA Lakers na naghihintay na lamang ng kalaban sa  Western Conference best-of-seven finals matapos sibakin sa semis ang Houston, 4-1.

Pipilitin ng Denver na maging unang koponan sa NBA history na nakabangon mula sa dalawang 1-3 deficits sa parehong postseason.

Una nila itong ginawa laban sa Utah Jazz sa first round ng West conference.

Nagdagdag si Jamal Murray ng 21 markers para sa Nuggets habang may 16, 13 at 10 points sina Gary Harris, Michael Porter Jr. at Monte Morris, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan naman ni Paul George ang Clippers sa kanyang 33 points habang may 25 at 14 markers sina Kawhi Leonard at Lou Williams, ayon sa pagkakasunod.

“It’s frustrating,” ani Clippers coach Doc Ri-vers. “Listen, when you decide to be a coach it’s not going to be roses eve-ry day. We clearly have the right formula as far as how we’re playing and then we keep losing it.”

Naitakda na ang East Finals sa pagitan ng Boston at Miami na sisimulan bukas.

DENVER NUGGETS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with