Bucks nakaiwas sa sweep

Bucks nakaiwas sa sweep

(Pang-masa) - September 8, 2020 - 12:00am

LAKE BUENA VISTA, Florida — Nakaiwas ang top-seed Milwaukee Bucks na ma-sweep ng No. 5 Miami Heat sa kanilang Eastern Conference semifinals series.

Bagama’t limitado ang playing time ni Gian-nis Antetokounmpo dahil sa sprained right ankle ay tinalo pa rin ng Bucks ang Heat sa Game Four via overtime, 118-115 tampok ang iniskor na 21 sa 36 points ni Khris Middleton sa third quarter kahapon dito.

Ang tres ni Middleton sa huling 6.3 segundo ng overtime ang naging daan para makalapit ang Milwaukee sa 1-3 sa kanilang best-of-seven semis showdown ng Miami.

“Just keep fighting,” wika ni Middleton, mayroon ding 8 rebounds at 8 assists para banderahan ang Bucks. “That’s all my teammates did.”

Tumapos si Anteto-kounmpo na may 19 points sa loob ng 11 minuto at tig-14 sina Brook Lopez at George Hill.

Sa kabila ng kabiguan ay maaari pa ring tapusin ng Heat ang serye sa Game Five.

Nagposte si big man Bam Adebayo ng 26 points, 12 rebounds at 8 assists sa panig ng Miami habang may 20, 18 at tig-17 points sina Duncan Robinson, Jae Crowder, Goran Dragic at Jimmy Butler, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, bumalikwas naman ang No. 1 ranked Los Angeles Lakers mula sa kabiguan para balikan ang Houston Rockets, 117-109 at itabla sa 1-1 ang kanilang Western Conference semis duel.

Humataw si Anthony Davis ng 34 points at 10 boards habang naglista si LeBron James ng 28 points, 11 rebounds at 9 assists para banderahan ang pagresbak ng La-kers, nagtayo ng 16-point lead sa first period bago naagaw ng Rockets ang 92-90 abante sa pagtatapos ng third quarter.

MILWAUKEE BUCKS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with