Bucks napangiti si Jacob Blake

(Pang-masa) - August 31, 2020 - 12:00am

LAKE BUENA VISTA, Florida — Hindi lamang ang isinagawang walkout na gumulat sa mundo ng sports ang ginawa ng Milwaukee Bucks dahil sa pamamaril sa black American na si Jacob Blake sa Kenosha, Wisconsin.

Sinabi sa CNN ni Jacob Blake Sr., ama ni Blake na binaril ng mga pulis ng pitong beses habang nakatalikod ito para pumasok ng kotse, na pinadalhan ng Bucks ang kanyang anak ng isang jersey na pirmado ng buong koponan.

“The thing that made him smile was the Milwaukee Bucks. That made him smile,” sabi ni Blake Sr. “I’m from Chicago, but now I am truly a Milwaukee Bucks fan because they reached out to my son, sent him a jersey that was signed by the whole organization.”

Umagaw ng eksena ang Bucks noong Miyerkules nang tumangging maglaro sa Game Five ng kanilang first-round playoff series ng Orlando Magic bilang protesta sa pamamaril kay Blake.

Sinundan sila ng iba pang NBA teams pati ang buong WNBA at maraming MLB at MLS teams.

Ang nasabing walkout ang pansamantalang nagpahinto sa NBA playoffs bago nagkaroon ng kasunduan na muling maglaro.

MILWAUKEE BUCKS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with