Clippers isa na lang; Denver buhay pa

LAKE BUENA VISTA, Florida — Lumapit ang Los Angeles Clippers sa semifinal round habang nakaiwas naman ang Denver Nuggets na masibak agad sa first-round playoffs ng Western conference.

Nagsalansan si Paul George ng 35 points habang may 32 markers si Kawhi Leonard para buhatin ang No. 2 Clippers sa 154-111 pagdurog sa No. 7 Dallas Mavericks at kunin ang 3-2 lead sa kanilang best-of-seven series kahapon dito.

Nagdagdag si Montrezl Harrell ng 19 points at 11 rebounds para sa Clippers, maaari nang iligpit ang Mavericks sa Game Six bukas.

Nalimitahan sa 22 points mula sa 6-for-17 fieldgoal shooting si Luka Doncic, nagsalpak ng game-winner sa panalo ng Dallas sa Game Four.

Sa ikalawang sunod na pagkakataon ay hindi naglaro si 7-foot-3 Latvian center Kris-taps Porzingis para sa Mave-ricks dahil sa pamamaga ng kanang tuhod.

Samantala, iniskor naman ni Jamal Murray ang 33 sa kanyang 42 points sa second half para tulungan ang No. 3 Nuggets sa 117-107 paggupo sa No. 6 Utah Jazz at makadikit sa 2-3 sa kanilang sariling best-of-7 series.

Nagdagdag si center Nikola Jokic ng 31 markers na ang 21 ay hinataw niya sa first period para sa Denver.

Ang mananalo sa dalawang playoff series na ito ang uusad sa best-of-seven semis showdown.

Nauna na sa semifinals ng Eastern conference ang defending champion Toronto at Boston na magsisimula ang series bukas. Pasok na rin ang Miami at naghihintay na lang ng kalaban East semis sa pagitan ng Milwaukee at Orlando kung saan lamang ang Bucks sa serye sa 3-1.

 

 

Show comments