^

PM Sports

Portland umangat sa 61 pts. ni Lillard

Pang-masa
Portland umangat sa 61 pts. ni Lillard
Damian Lillard

MANILA, Philippines — Siniguro ni Damian Lillard na hindi matatalo ang Portland sa pagposte ng career-tying 61 points  upang pangunahan ang Portland Trail Blazers sa 134-131 panalo kontra sa Dallas Mavericks sa Walt Disney World na nagpa-lakas ng kanilang tsansa sa play-in series para sa hu­ling playoff spot sa Western Conference.

Ito ang pang-11 na 50-plus point game ni Lillard sa kanyang buong career, pang-anim ngayong season. Umiskor din siya ng 51 puntos sa 124-121 panalo ng Blazers kontra sa Philadelphia noong Linggo para maging unang Portland player na mag-back-to-back 50-points game. Ikatlong beses ngayong season na tumapos ng 60-points o higit pa si Lillard na tanging si Wilt Chamberlain lang ang isa pa nakagawa nito sa buong NBA history.

Si Lillard ay  9-of-17 mula sa 3-point line kabilang ang tres na malayo sa arc na nangyari sa fourth quarter nang masuwerteng napunta sa kanya ang tumalbog na bola mula sa rim. Perfect  siya sa free-throw line,18-of-18.

Pumasok ang Trail Blazers sa NBA bubble na malayo sa No. 8 seed at ngayon ay sila na ang omuokupa sa krusyal na puwesto at masisiguro nila ang slot sa play-in series kung mananalo sila sa kanilang huling laro kontra sa Brooklyn  nitong Huwebes.

Malaki pa rin ang tsansa ng Memphis, pumasok sa bubble bilang No. 8 team na matagal nilang hinawakan bago maagaw ng Portland, nagposte ng kanilang ikalimang panalo sa 7-laro sa bubble, gayundin ang wala pang talo sa bubble na Phoenix Suns (6-0). May pag-asa pa rin ang San Antonio Spurs depende sa kanilang win percentage na basehan ng placings pagkatapos ng seeding games dahil hindi sila magkakapareho ng total games.

 

vuukle comment

DAMIAN LILLARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with