May play-in sa west para sa No. 8 spot
(Pang-masa) - August 11, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Toronto Raptors na magkakaroon ng play-in game para sa huling play-off spot sa Western Conference matapos ang 108-99 panalo kontra sa Memphis Grizzlies, patungo sa huling limang game-days ng NBA bubble sa Disney Resort sa Orlando, Florida,

Sa pagposte ng Toronto ng kanilang ika-50 panalo sa 69 laro para kumapit sa No. 2 spot ng East ay nalasap naman ng Memphis ang kanilang ikalimang talo sa anim na laro sa NBA bubble para dumausdos sa 33-38 karta na nagbunga ng play-in, bagong rule sa NBA bubble na nagbibigay karapatan sa No. 9 team na hamunin ang No. 8 team kung 4-games o mababa pa ang kanilang agwat sa pagtatapos ng regular season games.

Nakatakda sa Sabado (Linggo sa Manila) ang pay-in. Kung mananalo ang No. 8 team ay uusad ito sa playoffs ngunit kung mananalo ang No. 9  ay muli silang maghaharap sa Linggo (susunod na Lunes sa Manila).

Kasalukuyang nasa No. 9 ang Portland, nanalo sa Philadelphia, 124-121 para umangat sa 33-39 record ngunit may pag-asa pa rin ang San Antonio (31-38) , nanalo sa New Orleans, 122-113 at pahingang Phoenix (31-39). May 3 games pang natitira ang Suns habang tigalawa na lang ang Sixers at Spurs.

Tuluyan nang nasibak sa kontensiyon ang New Orleans gayundin ang Sacramento na nabigo sa Houston, 129-112.

Kumpleto na ang cast ng East kung saan maghaharap sa first round ang Milwaukee at Orlando; Miami vs Indiana; Boston vs Philadelphia; at Toronto vs Brooklyn na tuluyang nasiguro ang No. 7 spot matapos ang 129-120 panalo sa LA Clippers para sa 34-36 karta.

Hinihintay na lang ng top seed na LA Lakers ang magiging No. 8 team na makakalaban nila sa ope­ning round ng playoff sa West kung saan magsasagupa rin ang Houston vs Oklahoma, Denver vs Utah at LA Clippers vs Dallas.

Samantala, pinagmulta si Draymond Green ng $50K (tinatayang P2.5-milyon) matapos ang komentong dapat umalis si Devin Booker sa Phoenix.

Hindi naman natapos ni Joel Imbiid ang laro ng Philadelphia dahil sa left ankle injury matapos itong matapilok sa agawan sa rebound.  Kailangan ding lumabas ng NBA bubble ni  Ben Simmons para maoperahan sa kaliwang tuhod ngunit hindi alam kung kailan siya makakabalik.

MEMPHIS GRIZZLIES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with