Antetokounmpo paborito sa MVP
LOS ANGELES – Sina reigning NBA Most Valuable Player Giannis Antetokounmpo, Los Angeles Lakers star LeBron James at 2018 MVP James Harden ang mga finalists para sa MVP award ngayong taon.
Paboritong manalo ng kanyang ikalawang sunod na MVP title si Anteto-kounmpo, tinulungan ang Milwaukee Bucks nitong nagdaang linggo na masiguro ang top seeding sa Eastern Conference, laban sa four-time MVP winner na si James.
Nominated din ang 29-gulang na Greek star sa NBA defensive player of the Year category kasama sina Anthony Davis ng Lakers at Rudy Gobert ng Utah.
Nominado naman si Bucks coach Mike Budenholzer para sa Coach of the Year kasama sina Billy Donovan ng Oklahoma at Toronto coach Nick Nurse na naghati sa National Basketball Coaches Association coach of the year award kamakailan.
Nangunguna naman si Zion Williamson ng New Orleans Pelicans para sa Rookie of the Year kalaban sina Kendrick Nunn ng Miami Heat at Ja Morant ng Memphis Grizzlies.
Pinangunahan naman ni Luka Doncic ng Dallas Mavericks ang mga kandidato para sa Most Improved kasama sina Brandon Ingram ng Pelicans at Bam Adebayo ng Miami.
Ang botohan sa lahat ng awards ay base sa regular season games na nilaro hanggang noong March 11 bago natigil ang liga ng apat na buwan dahil sa COVID-19 pandemic at hindi ikokonsidera ang mga laro sa kasalukuyang NBA bubble sa Disney Resort sa Orlando.
- Latest