^

PM Sports

Nae-excite si Margielyn Didal

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Nae-excite si Margielyn Didal
Margielyn Didal

MANILA, Philippines — Hindi na makapaghintay si Margielyn Didal na maibandera ang Pilipinas sa Tokyo Olympics kung saan ipapakilala ang skateboarding bilang medal event sa unang pagkakataon sa kasaysayan.

Bagama’t ‘di pa opisyal na pasok, halos sigurado na si Didal sa Summer Games kapag natuloy na ang mga nalalabing qualifiers pagkatapos ng COVID-19 pandemic kaya naman na-feature ito sa opisyal na website ng Tokyo Olympics. “I still can’t imagine representing my country and raising the Philippine flag, especially at the Olympics,” anang Cebu pride na si Didal. “I mean, we’re talking [about the] Olympics actually. It’s a big pressure because you know it’s for your country.”

Sa ngayon, pormalidad na lamang ang hinihintay ng 21-anyos na Filipina sensation lalo’t ika-14 siya sa world rankings ng women’s street category.

Tanging ang top 20 lamang ang makakakuha ng tiket sa prestihiyosong quadrennial event na naurong sa susunod na taon bunsod ng pandemya.

Ang Olympics ang pinakabagong milestone ni Didal matapos magwagi ng gintong medalya noong 2018 Asian Games at 2019 Southeast Asian Games bukod pa sa pag-ukit ng kasaysayang bilang unang Pinay na nakasali sa X Games.

Bunsod ng mga parangal na ito ay napasali si Didal sa Top 25 Most Influential Teens ng Time Magazine at  30 under 30 Asia Class of 2020 ng Forbes Magazine.

Wagi rin siya kamakailan lang sa kauna-unahang Asian Skateboarding Championships online skate video contest kontra sa lagpas 100 na katunggali mula sa 38 na bansa.

Sa ngayon, kontento muna sa pagpa-practice sa sariling four-feet quarter pipe na gawa ng tatay niyang karpentero sa kanilang rooftop habang  ‘di pa puwedeng mag-training. (JBU)skateboarding#ixzz6Ub6sshKz

Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook.

 

vuukle comment

MARGIELYN DIDAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with