^

PM Sports

Jinkee kina-career na ang pagbo-boxing

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
Jinkee kina-career na ang pagbo-boxing

MANILA, Philippines — Parang kina-career na ng may-bahay ni Pambansang Kamao at senador Manny Pacquiao na si Jinkee ang pagbo-boxing.

Muling ipinasilip sa social media post ni Jinkee ang kanyang pawisang postura habang nakikipag sparring sa isa mga trainer ng kanyang asawa’t anak sa isang gym sa General Santos City kung saan naroroon ngayon ang buong pamilya Pacquiao.

Hindi namn bago sa lahat na laging kasama ng eight-division world champion na si Manny ang kanyang asawa sa kanyang pagsasanay lalo ngayong nasa ilalim ng community quarantine ang bansa.

Ipinasilip na kamakailan ni Manny sa kanyang sa-riling social media ang ginawa niyang pagsasanay sa asawa sa isa sa kanilang training session.

Tila naging family bonding na rin nila ang boxing training dahil maging si Jimuel Pacquiao ay kasama rin nila sa mga sessions.

Matapos gugulin ang buong panahon ng Enhanced Community Quarantine sa Manila ay agad umuwi ng General Santos ang mag-anak nang buksan na ang biyahe pauwi ng probinsiya.

vuukle comment

JINKEE PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with