Rex Intal may ‘groufie’ kasama ang Dallas players
MANILA, Philippines — Akala mo ay talagang player ng Dallas Mavericks ng NBA ang national men’s volleyball middle blocker na si Rex Intal sa kanyang ibinidang ‘groufie’ kasama sina Mavs players Luka Doncic at Kristaps Porzingis.
Hayop na photoshop skills ang ipinakita ng 2019 SEA Games silver me-dalist na si Intal sa kanyang post na picture sa Instagram.
“Excuse me po, mag-selfie lang po ako with my 2020 NBA Champs,” pabirong caption ni Cignal HD Spikers stalwart na pinanindigan ang kanyang ilusyon sa paglalagay sa kanyang post na ang location ay sa loob ng NBA bubble na nasa Disney Resort sa Florida.
Dinugtungan pa ng two-time UAAP champion ang kanyang trip nang magkomento siya sarili niyang post na: “Every year may fearless forecast ako. Every year talo.”
- Latest