1st Wedding Anniversary nina Allien at Kaye Maliksi

Allien at Kaye Maliksi

MANILA, Philippines — Ipinagdiwang nina Meralco Bolts shooting guard Allein Maliksi at ng kanyang misis na si Kaye Tan-Maliksi ang kanilang first wedding anniversary kahapon.

Wedding picture nilang mag-asawa sa simbahan ang shinare ng basketbolista sa kanyang Instagram na may kasamang maiksing mensahe para sa kanyang kabiyak.

“Happy 1st wedding anniversary my love, first year was amazing. Let’s continue to build our married life with God at the center of everything. Can’t wait to marry you again,” sabi ni Maliksi.

Ang happy married life nina Allein at Kaye ay nabiyayaan ng baby boy na ngayon ay 7-months old na.

Agosto 6, 2019 nang magpakasal ang dalawa matapos ang halos anim na taon ng pagi-ging magkasintahan.

Show comments