^

PM Sports

Malaking upset win ng Nets vs Bucks

Pang-masa
Malaking upset win ng Nets vs Bucks

MANILA, Philippines — Sa pagharap sa No. 1 team ng NBA na wala ang 9-regular players sa kanilang rotation, walang tsansang manalo ang Brooklyn Nets ngunit nagawa nilang itala ang ma-laking upset sa paghatak ng 119-116 panalo kontra sa league leader na Milwaukee Bucks.

Kontra sa Bucks ay 19.1/2-point underdogs ang undersized at undermaned na Nets pero naitala nila ang pinakamalaking upset sa liga sapul noong 1993.

“We talked about as a group the symbolism of bamboo, being extremely resilient and extremely flexible and adap­table. [This] was another ­example,” sabi ni interim coach Jacque Vaughn. “We had to be all of those three things with the different lineup.”

Tsansa sana ng Milwaukee Bucks na masiguro na ang No. 1 see­ding sa Eastern Conference playoff race at ang kailangan lang nilang gawin ay talunin ang  Brooklyn na puro may injury ang players, hindi sumama ang mga regular players  at nagkaroon ng siyam na positive Covid-19 tests kaya isang regular player lang ang naiwan sa kanilang opening night rotation.

Lumaban ang Brooklyn gamit ang mga ‘di kilalang players dahil hindi sumama ang kanilang mga key players sa NBA bubble at ‘di pa nila pina-laro ang kanilang top three players  na sina Caris LeVert, Joe Harris at Jarrett Allen kaya ang kanilang starting line-up ay sina  Rodions Kurucs, Timothe Luwawu-Cabarrot, Lance Thomas, Tyler Johnson at Garrett Temple.

Petiks petiks na lang ang Bucks sa mga natitira nilang laro dahil sigurado na sila sa playoffs at sila na ang may pinakamagandang record sa Eastern Conference kaya makukuha at makukuha rin nila ang No. 1 seeding.

Kaya naman hindi na nila pinalaro sa fourth quarter sina Giannis Antetokounmpo at Khris Middleton.

Pinangunahan ni Thimothe Luwawu-Cabarrot ang Brooklyn sa kanyang career-high 26-points kabilang ang lima sa 21 triples ng Nets para sa 36.8% three point shooting (21-of-57) kumpara sa 17-of-51 ng Bucks.

vuukle comment

BROOKLYN NETS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with