Kawhi, Nikola darating na
Kawhi Leonard at Nikola Jokic
Kawhi, Nikola darating na
(Pang-masa) - July 12, 2020 - 12:00am

ORLANDO, Florida — Sinabi ni Doc Rivers na darating na si Kawhi Leonard sa Disney Resort para sa NBA season restart nitong Biyernes ng gabi upang makasama ang LA Clippers.

“Kawhi is on his way,” sabi ng Clippers coach sa Zoom conference sa mga reporters bago ang kanilang practice. “Should arrive sometime this evening.”

Hindi sumabay si Leonard sa pagbiyahe ng Clippers noong Miyerkules dahil may kailangan itong asikasuhin sa kanyang pamilya, ayon sa source ng ESPN.

Sinabi rin ni Rivers na may ilang pang bahagi ng kanilang team ang susunod sa  Disney ‘bubble.

Ang player na bumiyahe ng sarili ay kailangang mag-quarantine ng dalawang araw pagdating nito sa Disney Complex.

Sinabi naman ni Denver Nuggets coach Michael Malone na inaasahan niyang makakasama na ng team ang kanilang star center na si Nikola Jokic anumang araw.

Si Jokic na nagpositibo sa coronavirus ay dalawang beses nang nagnegatibo sa swab test sa Serbia, ayon sa source ngunit hindi nakasabay sa biyahe ng Nuggets patungong Orlando, dahil sa travel issues.

“The hope is that he will be here soon,” sabi ni Malone sa mga reporters sa Zoom conference pagkatapos ng kanilang practice sa Walt Disney World resort. “I have spoken to him many times. I know he’s excited and looking forward to getting down here. He’s healthy, he feels great, hopefully he will be here soon in the next couple of days.”

Sa pagsabak naman sa unang practice ng Oklahoma City Thunder nakita ang pamilyar na mukha na halos isang taong nawala: si Andre Roberson.

Mahigit dalawang taon na hindi nakalaro sa actual game si Robionson at nakita ito sa opening practice ng Thunder pati sa 5-on-5.

“He looked really, really good in terms of the way he was moving,” sabi ni coach Billy Donovan. “It was great to see him out there. I was really happy for him. But like we’ve talked about in the past, we’ll see how he can continue to build up and develop here over the next week, but he was out there today and he participated in everything.”

Magsisimula ang scrimmages sa July 22 bago ang pormal na pagspapatuloy ng NBA season sa July 30 gamit ang apat na basketball court sa loob ng resort.

Maraming players ang nagpo-post sa kanilang social media ng kanilang sitwasyon sa loob ng resort at marami sa kanila ang nagrereklamo ukol sa pagkain at mahinang wifi.

Tatagal ang 22-teams sa loob ng resort ng di bababa sa tatlong linggo hanggang tatlong buwan.

KAWHI LEONARD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with