POC at PSC aasikasuhin ang mga Olympic athletes

MANILA, Philippines — Nakipagkasundo kahapon ang PSC sa Philippine Olympic Committee (POC) para ayusin ang mga detalye sa pagbabalik-ensayo ng apat na qualified national athletes sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan alinsunod sa requirements ng IATF.

Kasama rin dito ang mga atletang sasabak sa mga Olympic qualifying tournaments, ayon kay PSC Officer-in-Charge (OIC) Ramon Fernandez.

“We initiated the meeting with POC with the good of our national athletes in mind. Lagi iyan priority as (PSC) chairman Butch Ramirez always say,” ani Fernandez. “COVID-19 notwithstanding, we must never lose sight of our goal to give our best for our first Olympic gold.”

Pinamunuan ni Fernandez ang PSC Board sa isang virtual board meeting kasama sina POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino at POC secretary-ge-neral Atty. Ed Gastanes.

Kamakailan ay pinayagan ng IATF ang training at conditioning ng Philippine Basketball Association (PBA), Phi-lippine Footbal League (PFL) at ng Gilas Pilipinas 3x3 national team.

Inaasahan na ring magbabalik-ensayo sina national boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno, kasama sina pole vaulter Ernest John Obiena at gymnast Carlos Edriel Yulo na nakasikwat ng Tokyo Olympic berth. Sina Marcial at Magno ay nasa Pilipinas habang nagsasanay sina Obiena  sa Italy at Yulo sa Japan.

 

 

Show comments