SBP guest sa PSA Forum
MANILA, Philippines — Tatalakayin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang kanilang mga plano sa panahon ng COVID-19 pandemic sa pagbisita sa Philippine Sportswriters Association (PSA) ngayong umaga.
Panauhin sina SBP Executive Director Sonny Barrios at Director for Ope-rations Butch Antonio sa pang-alas-10:00 ng umagang session na handog ng San Miguel Corp., Go For Gold, Amelie Hotel, Braska Restaurant at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Inaasahang pag-uusapan ang hangarin ng Gilas Pilipinas 3x3 men’s team na mag-qualify sa Tokyo Olympics sa Forum na live via the PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at powered ng Smart gayundin sa Radyo Pilipinas 2 Facebook page.
- Latest