^

PM Sports

Boxing, combat sports isusunod ng GAB

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Boxing at ilang combat sports ang isusunod na paplantsahin ng Games and Amusement Board (GAB) upang makahingi din ng go-signal mula sa IATF sa pagbabalik ng kanilang training.

Umaasa si GAB Chairman Baham Mitra na gaya ng basketball at football ay mabibigyan din ng parehong permiso ang mga naturang sports para sa unti-unting pagsigla ng industriya na lubusang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Aniya, inaayos na ang protocols para sa boxing at mga combat sports na inaasahan nilang makakakuha rin ng green light mula sa IATF matapos payagan ang pagbabalik-ensayo ng ilang team sports.

Kamakailan lang ay nabuhayan ang local sports industry nang unang payagan ng IATF ang professional basketball at football na magbalik sa ilalim pa rin syempre ng mahigpit na safety protocols.

Nabigyang permiso ang  Philippine Basketball Association (PBA) at Philippine Football League (PFL) na nagsumite ng sarili nilang protocols para sa training at conditioning ng kanilang mga pro-players.

Dahil nasa ilalim pa rin ng general community quarantine (GCQ) ang National Capital Regional, maliit na grupo na buuuin lamang ng hanggang limang katao kada-batch ang papayagan.

Aakyat ito sa sampung katao kung sakaling bumaba na sa mas maluwag na modified general community quarantine (MGCQ) ang NCR depende sa pagtatapos nito sa Hulyo 15.

Ito ang parehong bagay na nais maisakatuparan ng GAB sa boxing at combat sports at kung magtutuluy-tuloy ang pagganda ng COVID-19 situation ay pati na rin sa iba pang sports at liga sa bansa.

Isa rin sa ilalapit ng GAB ay ang pagbabalik ng mga laban ng boxing na gaganapin sa closed-door venues gaya ng ginagawa ng UFC at pro boxing sa ibang bansa.

Bagama’t nasa gitna pa rin ng pandemya ay nagdaraos ng boxing at MMA fights ang ilang bansa kung saan wala pa ring pinapayagan live au-dience.  

vuukle comment

GAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with