Manuel Tumi-TikTok na rin

Vic Manuel

MANILA, Philippines — Hindi nagpahuli si Alaska Aces gunner Vic Manuel sa nauusong #MarikitDanceChallenge ngayon.

Sa Instagram pinost ni Manuel ang TikTok video ng kanyang version ng sayaw na ito pero nakadapa sa kama ang istilo.

Tanging “Hahaha” ka­sama ang kakatuwang mga emoji ang caption ng 2019 SEA Games gold medalist sa video na ito.

Kitang-kita ang na emote na emote ang PBA veteran player habang umiindayog at nagli-lip synch sa sikat na kanta ngayon.

May pa-Behind The Scene (BTS) pa si 2018 Mr. PBA Mr. Quality Minutes kung saan ang isa mga anak niya ang nakahuli sa kanya sabay sabi ng: “Binawalan ko sya mag-TikTok before then nahuli niya ako hahaha.”

Show comments