Bagong video ni Kai Sotto viral na naman
MANILA, Philippines — Viral sa social media ngayon ang video ng basketball prodigy na si Kai Sotto kung saan nagsasanay ito sa pagba-block.
Sa eight-second video na pinost ng Hoop Junkie - isang basketball fan page - kitang-kita ang ma-laking improvement kay Sotto nang maabot niya ang dulo ng halos 12 feet na poste.
“Kai Sotto can block shots as high as 11’ 11.5”. That’s nearly 12 feet,” caption ng page, na talaga namang mangha-mangha sa ginawa ng 7-foot-2 player.
Dahil sa angas na ginawa ng SEABA U-16 Championship gold medalist hindi naiwasan ng @vinotobi na ikumpara si Sotto kay NBA player Kristaps Porzingis at nag-comment pa ito ng: “For comparison. He’s not far away from Porzingis’ 12’ 2.5”.”
Napanganga ang netizens sa ginawa ng da-ting Ateneo Blue Eaglets star at umabot ngayon sa halos 35k views nito at 5k likes.
- Latest