Kakaiba ang face mask ni Arwind Santos

Arwind Santos

MANILA, Philippines — Lumabas ang pagiging creative ni San Miguel Beermen power forward Arwind Santos na gumawa ng  isang face mask gamit ang bottled water at tin filter.

“Creativity,” ‘yan ang maiksing caption ni Spiderman sa video na pinost niya sa Instagram na ibinibida ang kanyang DIY recycled face mask.

May konting demons-tration din na ipinakita ang PBA two-time Finals MVP kung paano ang tamang paggamit ng kanyang napapanahong imbensyon.

Aprubado naman sa fans ang kakaibang face mask ni Santos at sa nga-yon ay umabot na sa 4,023 ang views nito.

 

Show comments