^

PM Sports

Protocols para sa team practices isusumite ng PBA sa IATF at DOH

Russell Cadayona - Pang-masa
Protocols para sa team practices isusumite ng PBA sa IATF at DOH
PBA Commissioner Willie Marcial

MANILA, Philippines — Unti-unti muna ang gagawing hakbang ng PBA hanggang tuluyan nang payagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga contact sports kagaya ng 5-on-5 basketball.

Sa kanyang proposal na inaprubahan ng PBA Board ay isinama ni PBA Commissioner Willie Marcial ang mga health protocols na inaasahang papasa sa IATF at Department of Health.

Ilan sa mga guidelines sa pagbabalik-ensayo ng mga PBA teams ay ang temperature check at paggamit ng alcohol habang apat na players lamang ang papayagang mag-ensayo sa isang gym kasama ang isang health officer at isang trainer bawat practice session.

“Walang game. Conditioning lang talaga. Kung apat sa isang court, ‘yung social distancing magagawa namin,” ani Marcial.

Magsasagawa rin ng disinfection ang liga sa venue ng mga laro.

“Nagawa na ang sulat which is addressed to chairman (Karlo) Nograles and co-chairman (Francisco) Duque,” wika ni PBA chairman Ricky Vargas. “There are also some people who offered to help us follow this up and work with us with the IATF.”

Umaasa si Marcial na papayagan ng IATF ang 12 PBA ballclubs na mag-ensayo sa ilalim ng ipinatutupad na general community quarantine (GCQ) sa National Capital Region.

Samantala, inapruba­han naman ng PBA Board ang paglilipat ng Columbian Dyip ng kanilang franchise owner­ship sa sister company nilang Terrafirma Realty Deve-lopment Corporation.

vuukle comment

WILLIE MARCIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with