Coronavirus nagpatumba sa mga inihandang karera ng Philracom
Nilda Moreno (Pang-masa) - March 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matindi ang impact ng coronavirus disease-2019 (COVID-19) sa buong mundo dahilan upang magkansela ng mga trabaho, lalo na sa mga major sports katulad ng National Basketball Association (NBA).

Maraming sports na rin ang kinansela sa Pilipinas kagaya ng Philippine basketball Association (PBA), University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at National Collegiate Athletic Association (NCAA) games at marami pang iba, kasama na rito ang karera.

Nanlumo ang mga karerista sa pagkakansela ng Philippine Racing Commission (Philracom) ng karera na nagsimula kahapon.

Kaya hindi na masisilayan ng mga karerista ang paghaharap ng mga future champions sa “Road To Triple Crown Stakes Race” na pasisibatin sana ngayong araw sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Pito ang kalahok sa nasabing stake race, isa sa mga kasali ay ang Noon Bell na inaasahang magiging markado ng mga karerista.

Makakalaban ng Noon Bell na rerendahan sana ni dating Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year awardee Jonathan Hernandez ang Redhead Dancer, Lucky Savings, Westpointer, Under Pressure, Radio Gaga at Prettiest Star.

Nakalaan ang premyong P300,000 para sa unang tatawid sa meta kaya inaasahang bakbakan ang masisilayan ng mga karerista.

Samantala, tiyak naman na kapag humupa na ang tensyon sa COVID-19 ay ikakasang muli ang nasabing karera.

PHILRACOM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with