Rondina nakatutok sa pagsabak sa beach volleyball

MANILA, Philippines – Wala munang oras pa­ra sa indoor volleyball si Philippine Sportswriters Association (PSA) Ms. Volleyball awardee Sisi Ron­dina dahil mas focus si­ya sa beach volleyball nga­yong taon.

Walang patid ang pag­sasanay at paghahan­da ni Rondina kasama ang partner na si Bernadeth Pons para sa kanilang pag­sabak sa ilang local at international beach volley tournament.

Nakatakdang sumabak sina Rondina sa Beach Volleyball Republic (BVR) sa Marso 27-29 sa Puerto Galera at isang FIVB One Star tournament sa Thailand sa Abril.

“Mayroon akong local this 27 to 29 sa Puerto (Galera), BVR ‘yun and alam ko may internatio­nal din, and hopefully this April 8 to 11 FIVB one star sa Thailand and may mga international kami pe­ro nagkakaproblema lang because of CO­VID-19,” ani Rondina.

“Kami ni Pons, wala ka­ming ibang inisip kundi makakuha pa ng ex­pe­rience when it comes to international talaga, la­lung-lalo na noong nag-SEA Games kami.”

Naibulsa ng Philippine men’s at women’s team ang tansong me­dalya noong 2019 Southeast Asian Games na tumapos sa 14-year medal drought ng bansa sa nasabing sports.

Lubos ang pasasala­mat ng UAAP season 80 Most Valuable Player sa karangalang ipinagkaloob sa kanya ng PSAl.

“Siyempre, nagpapa­sa­lamat kami ka­si hindi naman namin ito makuku­ha kung wala ka­yo and we’re truly blessed talaga na isa kami sa mga napi­li,” ani Rondina. “Same lang kami ng ginawa para sa team namin and syempre ‘yung passion namin sa volleyball talaga.”

 

 

Show comments