^

PM Sports

UAAP games kinansela na rin

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sinuspendi ng pamu­nuan ng University Athletic Association of the Phi­lippines ang lahat ng volleyball games kasabay ng pagka­kansela ni Pa­ngu­long Rod­rigo Duterte sa klase sa Ka­may­nilaan da­hil sa banta ng Coronavirus Di­sease-2019 (COVID-19) sa bansa.

Bilang tugon sa pagde­deklara ng State of Public Health Emergency ng Pangulo kasabay ng pag­dami ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa ay nagpasya ang UAAP na suspendihin ang mga naka-schedule na laro mula kahapon hanggang sa Martes.

Sa unang pahayag ng pamunuan ng UAAP ay hanggang Sabado lamang ang sakop ng suspensyon.

Subalit sa emergency meeting na isinagawa ng Board of Managing Di­­rec­tors ay nagpasya ang UAAP na palawigin hanggang Martes, Marso 17, ang kanselasyon.

“In an emergency mee­ting, the UAAP Board of Managing Di­rec­tors una­nimously de­cided to ex­tend the sus­pension of all UAAP events until Tuesday, March 17, to give everyone concerned enough time to adjust to the current situation,” ba­hagi ng paha­yag ng liga.

“We will have another announcement by Monday, March 16, 2020, on how we will proceed with the rest of the UAAP season,” dagag pa ng UAAP.

Ito na ang ikalawang beses na naudlot at naurong ang game schedule ng isa mga inaabangang collegiate league sa bansa dahil sa COVID-19.

Una itong sinuspendi no­ong Pebrero 16 at ini­li­pat ang opening day no­ong Marso 3.

Magtatapat sana kaha­pon ang University of the Philippines at De La Salle University men’s at wo­men’s team, habang na­­katakda ang quadruple-hea­der sa pagitan ng Ate­neo de Manila University at University of the East; at Adamson University at Far Eastern University.

Bibinyagan sana ang maaksyong paluan sa pa­­gitan Lady Ta­maraws at Lady Eagles; at Lady Warriors at Lady Bulldogs, ang banggaan ng Lady Spikers at Golden Tigresses at ng Fighting Ma­roons at Lady Falcons ang bagong bihis na PhilSports Arena sa Pasig City sa Sabado at Linggo.

Bukod sa volleyball ay apektado rin ng nasa­bing kanse­lasyon ang mga laro sa football, softball at ang finals decider ng girls’ bas­ketball.

 

 

vuukle comment

UAAP GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with