Constitution at Magic Carpet Ride na-scratch noong Biyernes
Nilda Moreno (Pang-masa) - March 10, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang kabayo ang na-scratched noong Biyernes sa karera na idinaos sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Ito ay dahil “unfit to ride” ang mga hineteng sina Jeffrey Bacaycay at Dan L. Camañero na parehong class A riders.

Dahil walang kapalit na hinete ay minabuting hindi na pinatakbo ang Constitution sa Condition Race Ca­tegory 19 sa pinasibat sa unang karera at Magic Carpet Ride sa Group Race Category 11 na inilarga sa pang-pitong karera.

Rerendahan dapat ni Bacaycay ang Constitution, habang si Camanero ang gagabay sana sa Magic Carpet Ride.

Hindi naman kasalanan ng mga hinete kung hindi sila makasakay kaya walang ipinataw na parusa kina Bacaycay at Camanero.

“No available jockey; assigned ri­ders JB Bacaycay and Dan Camañero are unfit to ride, No penalty imposed,” nakasaad sa statement ng Board of Stewards na inilabas ng Philippine Racing Commission (Philracom).

Kasama sa hindi nasakyan ni Bacaycay ay ang Runzaprun na tatakbo sana sa race 7.

Napatawan naman ng parusa si jockey Ed Lumagui, sumakay sa Himpapawid, dahil sa ““Careless Riding”.

Binigyan ng suspension na six (6) racing days si Lumagui (Penalized Under PR 76 TT.3).

Naparusahan din ang kabayong Terryball at Paradise Creek mula sa BoS.

Binigyan ng isang buwan na pa­hinga ang Terryball.

“Terryball came in 75 meters behind the third placer, meted One (1) month rest, penalized Under PR 68,” kasama sa statement na inilabas ng BoS.

Namilay naman ang Paradise Creek kaya pinatawan din ito ng parusa.

 

CARPET RIDE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with