Beli Bell babandera sa PHILRACOM Three-year-Old Maiden Stakes Race sa Marso 15
Nilda Moreno (Pang-masa) - March 9, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lumalapit ang araw na pinakahihintay ng mga karerista.

Ito ay ang paghaharap ng mga bagitong kabayo sa 2020 Philracom “Three-year-Old Maiden Stakes Race” na pakakawalan sa Marso 15 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Markado sa siyam na nagdeklara ng pagsali ang kalahok na Beli Bell na rerendahan ni dating Philippine Sportswriters Association Jockey of the Year awardee Jonathan Hernandez.

May distansyang 1,500 metro ang karera, nakalaan ang premyong P1.2 milyon na ikakalat sa unang apat na kaba-yong tatawid sa meta kung saan ay P720,000 ang hahamigin ng mananalo.

Posibleng makaharap ng Beli Bell kung makakasali lahat ng nagdeklara ay ang Cat’s Magic, Laguardia, Sky Commander, Bishop Blue, Carttierruo, Drummer Girl, Top Czar at Zibarawana.

Makakatanggap ang second placer ng P270,000, may P150,000 ang iuuwi ng third, habang ang fourth ay hahamig ng P60,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom).

Mabibiyayaan din ng P35,000 ang breeder ng winning horse.

Papasanin ng Colts ang bigat na 54 kilograms, habang 52kgs. ang kakargahin ng Fillies sa karerang may distansyang 1,500 metro.

Bukod sa 3-YO Mai­den Race ay ilalarga rin sa nabanggit na petsa  ang 13th Manila HorsePower Cup (Imported/Local Invitational Race) kung saan ay sasalang ang super horse na Bugle Notes.

Kukubrahin ng mag­wawaging kabayo ang added prize na P500,000 sa karerang may distanyang 2,000 metro.

Kabilang sa mga naghayag ng pagsali ay ang Certain To Win, Murika at Boss Emong, ang second leg winner ng 2019 Triple Crown Series.

Nais ding subukan ng Ack, Boxmeer, Chancetheracer, Christmas Sky, Goldsmith, Lakan, Lucky Vist at Metamorphosis ang husay ng Bugle Notes. 

Samantala, halos tuwing Linggo ay may ila­largang stake race.

Isa na rito ang Road To The Triple Crown Races na pakakawalan sa Abril 12 sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Ikakasa rin sa Abril 12 ang isa pang 2020 Philarcom 3-YO Mai-den Stakes Race.

 

PHILRACOM THREE-YEAR-OLD MAIDEN STAKES RACE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with