Hawak ni 2020 LBC Ronda champion George Oconer ng Navy ang P1-M check.
PM photo ni Ernie Peñaredondo
Morales kuntento sa nakamit sa Ronda
Nilda Moreno (Pang-masa) - March 6, 2020 - 12:00am

VIGAN CITY, Philippines — Bago nagsimula ang 10th edition ng LBC Ronda Pilipinas ay pakay ni two-time champion Jan Paul Morales ng Standard Insurance-Navy na ikahon ang kanyang pangatlong titulo.

Ngunit hindi man ito natupad ay masaya naman ang 34-anyos na si Morales dahil nagkampeon sila sa team classification at sa individual sa event na inor­ga­ni­sa ng LBC sa pakikipagtulungan sa Manny V. Pa­ngi­linan Sports Foundation.

“Masaya ako kahit hindi ako naging GC rider nga­­yon kasi nakatulong ako sa team at nagtagumpay ka­mi,” sabi ni Morales, ang 2016 at 2017 champion.

Nagdagdag sa kasiyahan ni Morales ang panalo niya sa Stage Six, Seven at Ten.

“Okay na rin nanalo ako ng tatlong laps. Nanalo kami sa team tapos teammates ko ang nagwagi sa overall individual, mountains classification at ako sa sprint,” wika ni Morales.

Si George Oconer ng Navy ang nagkampeon sa ka­rera matapos talunin sina dating Ronda kings Santy Barnachea (2011, 2015) ng Scratch It, Mark Galedo (2012) ng 7Eleven Cliqq-Air21 by Roadbike Philippines, Reimon Lapaza (2014) ng Celeste Cycles at ang mga Standard teammates na sina Morales (2016, 2017) at Ronald Oranza (2018).

Sinabi naman nina LBC Ronda Pilipinas chairman Moe Chulani at project director Bernadette Guerrero na ilalarga ang 11th edition ng LBC Ronda Pilipinas sa Mindanao sa 2021.

MORALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with