RA Base pinatawan ng 12 racing day suspension
Nilda Moreno (Pang-masa) - March 5, 2020 - 12:00am

CEBU, Philippines — Napatawan ng 12 ­racing days suspension si class A rider RA Base matapos maipatalo ang liyamadong Hardliner sa naganap na Philracom-RBHS Class 3 noong Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Ayon sa Board of ­Stewards, tinanong si Base sa kanyang naging istilo sa pagdadala sa Hardliner na naging sanhi ng pagkatalo.

Sumagot si Base at sinabing nagtitipid siya ng lakas ng Hardliner.

Ngunit hindi naman kumbinsido ang BoS sa sagot ni Base kaya nagdesisyon silang patawan ng parusa ang hinete.

“Stewards called RA Base on top of Hardliner. When asked during the investigation he said that he was saving (tipid) his mount in the last 100 meters, although the Stewards believed that he was out to win, he was observed to be not beaten enough and seem to be cruising during the latter part of the race causing him to be beaten at the wire,” nakasulat sa inilabas na official statement ng Philippine Racing Commission mula sa BoS.

“Considering the foregoing, Stewards gave him twelve (12) racing days suspension for easing his mount at the last 100 meters without justifiable reason.”

Nakipag-ubusan ng lakas ang Hardliner sa Happy Maggie hanggang sa hometurn na sinamantala naman ng nanalong Sheer.

Lamang pa ng dala­wang kabayo ang Hardliner sa rektahan pero gumapang ang Sheer at lumagpas ito sa huling 15 metro ng karera.

Subalit kitang-kita sa camera na hindi kinakayog ni Base ang Hardliner.

RA BASE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with