LeBron-less Lakers pinadapa ang Golden State Warriors

Ang transition dunk ni Kyle Kuzma na nagbigay sa Lakers ng 21-point lead laban sa Warriors sa third period.

SAN FRANCISCO — Sa kanyang paglabas ng court ay tiniyak ni Golden State Warriors forward Draymond Green na ma­ririnig pa rin siya ng offi­ciating staff.

Sa gitna ng second quarter sa 116-86 panalo ng Los Angeles Lakers laban sa Warriors dito sa Chase Center ay natawagan si Green ng kanyang ika­apat na foul matapos si­yang patumbahin ni Dwight Howard mula sa isang screen.

Sinigawan at minura ni Green sina referee Ma­rat Kogut at Tyler Ford at natuluyan nang napatalsik sa laro.

“We needed him in the second half,” sabi ni Warriors head coach Steve Kerr of Green. “We missed him out there.”

Naharap lamang sa two-point deficit sa halftime, isinuko ng Golden State ang nine-point lead sa Los Angeles sa pagsisi­mu­la ng third period.

Isang 11-0 atake ang gi­nawa ng Lakers tampok ang transition dunk ni forward Kyle Kuzma pa­ra ibaon ang Warriors sa 21-point disadvantage.

Umiskor si Anthony Da­vis ng 23 points para sa pang-pitong sunod na pa­nalo ng Lakers at NBA-record na ika-18 sa road games laban sa mga Wes­tern Conference teams.

Si Rajon Rondo ang su­malo sa trabaho ni Le­Bron James na may left groin injury  at nagtala ng 12 points at 6 assists para sa Los Angeles.

Pinamunuan ni rookie Eric Paschall ang Golden State mula sa kanyang 23 points at may 16 markers si Jordan Poole.

Sa Indianapolis, nag­lista si Domantas Sabo­nis ng 20 points at 11 re­bounds para igiya ang In­diana Pacers sa 106-100 panalo sa Portland Trail Bla­zers.

Binanderahan ni CJ Mc­Collum ang Blazers sa kanyang 28 points at 8 assists, habang may 20 mar­kers at 5 boards si Gary Trent Jr.

Sa Oklahoma City, hu­mataw si Danilo Gallinari ng 24 points at buma­ngon ang Thunder mula sa 19-point deficit sa third quarter para resbakan ang Sacramento Kings. 112-108.

Nagdagdag si Shai Gil­geous-Alexander ng 20 points kasunod ang 17 markers ni Chris Paul para sa pang-limang dikit na ratsada ng Oklahoma Ci­ty at ika-14 sa huli ni­lang 17 laro.

Sa Philadelphia, nagpasabog si Tobias Harris ng 34 points para pamu­nuan ang 76ers sa 115-106 pagpapabagsak sa New York Knicks ba­gama’t wa­la ang suspendidong si Joel Embiid.

Show comments