Baby Tams laban sa Baby Bulldogs sa UAAP Finals

MANILA, Philippines — Walang ipinakitang anu­mang kalawang ang Far Eastern University-Diliman matapos ang 23-day break nang sibakin ang No. 4 seed Adamson University, 78-65, papasok sa UAAP Season 82 boys’ basketball tournament finals kahapon sa Filoil Flying V Centre.

Matibay na depensa ang ibinigay ng No. 2 FEU laban sa best players ng Adamson na sina Jake Fi­gueroa at sharpshooter John Erolon.

Nilimitahan ng Baby Tamaraws ang Season MVP na si Figueroa sa 11 points, habang may 7 mar­kers si Erolon.

Ang fastbreak lay­up ni Penny Estacio sa hu­ling 2:01 minuto ng fourth period ang nagbigay sa Baby Tamaraws ng 16-point lead, 72-56, na hindi na naputol ng Baby Falcons.

Nagtala si Estacio ng 18 points, 4 rebounds, 4 assists at 2 steals para sa FEU kasunod ang 14 markers ni Mark Padro­nes.

Haharapin ng Baby Ta­maraws para sa best-of-three title series ang Na­­tio­nal University Baby Bulldogs.

Nakatakda ang Game One sa Marso 6.

Show comments