Si Nuggets’ forward Jerami Grant sa isa niyang salaksak laban sa depensa ng Pistons.
Nuggets winasak ang Pistons; Lakers pinulutan ang Pelicans
(Pang-masa) - February 27, 2020 - 12:00am

DENVER – Tiniyak ng Nuggets na hindi na si­la magugulat ng Detroit Pistons.

Humataw si forward Je­rami Grant ng career-high na 29 points para tu­lungan ang Denver sa 115-98 paggupo sa Detroit.

Tatlong linggo na ang nakakalipas ay ginulat ng Pistons ang Nuggets sa overtime, 128-123.

Ngunit sa kanilang mu­ling pagkikita ay mas naging agresibo ang Den­ver laban sa Detroit, na­kahugot kina Derrick Rose at Christian Wood ng tig-20 points.

“Jerami gets you 29 (points) and five (rebounds). I just rode him that whole second half,” pagpuri ni Nuggets head coach Michael Malone kay Grant. “He was terri­fic.”

May 40-18 record nga­yon, di­nuplika ng Den­ver ang best start sa 58 games sa kanilang NBA franchise history.

Nagtala si center Nikola Jo­kic ng 16 points at 4 steals para sa Nuggets.

Sa Los Angeles, ku­ma­mada si LeBron James ng 40 points sa kanyang unang career meeting kay No. 1 overall pick Zion Williamson at inihatid ang Lakers sa 118-109 pa­nalo sa New Orleans Pelicans.

Ito ang ikaanim na sunod na pananalasa ng Los Angeles.

Nagtala naman si Anthony Davis ng 21 points at 14 rebounds para sa kan­yang 3-0 record laban sa dating koponan nga­yong season.

Sa San Francisco, tu­mipa sina Harrison Barnes at De’Aaron Fox ng tig-21 points para aka­yin ang Sacramento Kings sa 112-94 paggupo sa Golden State Warriors.

Nalasap ng Warriors ang kanilang pinakama­habang home losing skid sa pito sa loob ng 19 taon.

Sa Portland, naglag­lag si Jayson Tatum ng 36 points, tampok ito ang career-high na walong 3-pointers, para ihatid ang Boston Celtics sa 118-106 panalo laban sa Trail Blazers.

Sa Chicago, naglista si Dennis Schroder ng 21 points at gumawa ng ma­gandang defensive play sa fourth quarter para pamunuan ang Ok­lahoma City Thunder sa 124-122 paglusot sa Bulls.

JE­RAMI GRANT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with