Jordan: ‘When Kobe Bryant died, a piece of me died’
LOS ANGELES – Sinabi kahapon ni basketball great Michael Jordan na hindi niya nakita si Kobe Bryant na karibal para sa pagiging pinakamagaling na basketball player na naglaro sa NBA.
Sa halip ay mas matutuhan niyang mahalin si Bryant bilang nakakabatang kapatid at isang estudyante na pursigidong matuto sa kanyang eksperyensa.
“He wanted to be the best basketball player that he could be,” wika ni Jordan sa public memorial service para kina Kobe at Gianna Bryant dito sa Staples Center. “And as I got to know him, I wanted to be the best big brother that I could be.”
Lumuha si Jordan, may anim na NBA crowns para sa Chicago Bulls, sa kanyang talumpati na sumentro sa kanilang pagkakaibigan ni Bryant, namatay kasama ang 13-anyos na si Gianna at pito pang iba pa sa isang helicopter crash noong Enero 26.
“When Kobe Bryant died, a piece of me died,” sabi ni Jordan. “And as I look (around) this arena and across the globe, a piece of you died, or else you wouldn’t be here. Those are the memories that we have to live with and we learn from. I promise you from this day forward, I will live with the memories of knowing that little brother that I tried to help in every way I could. Please rest in peace, little brother.”
Ang makabagbag-damdaming komento ni Jordan, ang media-shy billionaire owner ng Charlotte Hornets, ang naging tampok sa nasabing two-hour ceremony.
Humataw ang career ni Bryant sa Los Angeles Lakers sa dulo ng 1990s kung saan patapos na ang dominasyon ni Jordan para sa Chicago Bulls.
Nagsukatan ng husay ang dalawang shooting guards para sa Lakers at Bulls.
Ngunit nang maging malapit sa isa’t isa ay binomba ni Bryant, may limang NBA titles sa Lakers, si Jordan ng mga late-night phone calls at mga tanong kung paano pa siya huhusay.
Nang magretiro si Jordan at nagtungo sa Los Angeles para bisitahin si Phil Jackson, ang dating Bulls coach at lumipat sa Lakers, ay binati siya ni Bryant na kaagad naghamon ng laro.
“No matter where he saw me, he saw the challenge,” ani Jordan. “And I admired him because of his passion. You rarely see someone who’s looking and trying to improve each and every day, not just in sports, but as a parent, as a husband. I am inspired by what he’s done and what he’s shared with Vanessa, and what he’s shared with his kids.”
Kahit pareho na silang retirado ay panay pa rin ang tanong ni Bryant kay Jordan ng iba’t ibang bagay.
Ilang buwan na ang nakakaraan ay nag-text si Bryant kay Jordan para sa pagtuturo ng mga moves kay Gianna.
Si Jordan ang fifth-leading scorer sa NBA history sa kanyang 32,292 points bago siya lampasan ni Bryant — may higit pang 274 games — sa career scoring list sa kanyang huling season noong 2014.
Ang 33,643 points ni Bryant ang naglagay sa kanya sa No. 4 sa ilalim nina Kareem Abdul-Jabbar, Karl Malone at LeBron James.
- Latest