Milwaukee Bucks dinomina ang Detroit Pistons
(Pang-masa) - February 22, 2020 - 12:00am

DETROIT — Hindi pa natatalo ang Milwaukee Bucks ng dalawang sunod ngayong season.

Humakot si star forward Giannis Anteto-kounmpo ng 33 points at 16 rebounds para banderahan ang 126-106 pagdomina ng Bucks sa Pistons.

“It’s important, obviously, coming off the all-star break not being sloppy, just coming in, playing good basketball,” wika ni Antetokounmpo.

Itinayo ng Milwaukee ang 70-41 abante sa halftime na kanilang pinalaki pa sa 34 points sa second half na hindi na napababa ng Detroit.

Humataw si dating Pistons’ forward Khris Middleton ng 28 points para sa Bucks, naipanalo ang 15 sa huli nilang 17 games habang may 19 at 18 markers sina Eric Bledsoe at Brook Lopez, ayon sa pagkakasunod.

Ito ang pang-limang sunod na kamalasan ng Detroit sapul nang i-trade si center Andre Drummond sa Cleveland Cavaliers noong Pebrero  6.

Nagtala si Christian Wood ng 18 points at 11 rebounds sa panig ng Pistons at nagtala si Bruce Brown ng 16 points at 10 rebounds.

Sa Philadelphia, kumolekta si Joel Embiid ng 39 points at 16 rebounds, habang nagsalpak sina Alec Burks at Shake Milton ng mahahalagang baskets sa overtime para akayin ang 76ers sa 112-104 pagdaig sa Brooklyn Nets.

Naglaro nang wala si All-Star point guard Ben Simmons (lower back tightness), pinaganda ng Philadelphia ang kanilang home record sa 26-2 ngayong season.

Nag-ambag si Tobias Harris ng 22 points at 12 boards para sa 76ers, nakahugot kay Burks ng 19 points.

Binanderahan ni Caris LeVert ang Nets mula sa kanyang 25 points at may 22 markers si Spencer Dinwiddie.

Sa Atlanta, nagpasabog si Trae Young ng career-high na 50 points para pamunuan ang Hawks sa 129-124 paglusot sa Miami Heat.

Nagsalpak si Young ng 18-of-19 free throws at may 8-of-15 shooting sa 3-point line para sa Atlanta.

Kumolekta si Bam Adebayo ng 28 points, season-high 19 rebounds at 7 assists para sa Miami.

MILWAUKEE BUCKS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with