^

PM Sports

ABAP napili ng PSA bilang NSA of the Year

Pang-masa

MANILA, Philippines — Paparangalan ang Association of Boxing Al-liances in the Philippines (ABAP) sa SMC-PSA (Philippine Sportswri-ters Association) Annual Awards Night bilang National Sports Association of the Year.

Sa pangunguna ni Nesthy Petecio, naghatid ng karangalan ang mga Filipino pugs noong 2019 mula sa Asian at world championships.

Muling hinirang ang ABAP bilang  NSA of the Year ng pinakamatandang media organization sa bansa na magbibigay parangal sa mga top sports personalities at entities noong nakaraang taon sa annual gala night sa March 6 sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Ang Team Philippines ang napiling Athlete of the Year sa event na hatid ng Philippine Sports Commission, MILO, Cignal TV, Philippine Basketball Association, AirAsia at Rain or Shine.

Ang 27-gulang na si Petecio ang nanguna sa matagumpay na kampan-ya ng ABAP matapos komopo ng gold medal sa AIBA Women’s World Boxing Championships sa Ulan-Ude, Russia nang igupo nito ang hometown bet na si Liudmila Vorontsova sa pamamagitan ng split decision para pagreynahan ang featherweight division.

Kinapos naman si Felix Eumir Marcial na partisan ang tagumpay ni Petecio nang magkasya ito sa silver sa parehong world tournament para naman sa mga lalaki na ginanap sa Yekaterinburg, Russia.

Ang 24-gulang na tubong Lunzuran, Zamboanga City ang ikatlong Pinoy na nag-runner-up sa prestihiyosong torneo matapos sina light-flyweight Roel Velasco (1997) at Harry Tanamor (2007).

Hindi rin nagpahuli si dating world champion Josie Gabuco na naka-gold din sa ASBC (Asian Boxing Confederation) Elite Boxing Championships na ginanap sa Bangkok, Thailand matapos igupo si Kim Hyang Mi ng North Korea sa finals ng women’s light-flyweight category.

Bago si Petecio, si Gabuco ay AIBA world women’s champion noong 2012.

Ang tatlong ito ang bumandera sa kampanya ng Phl Boxers sa 30th Southeast Asian Games kung saan sila ang hinirang na overall boxing champion.

Kasama sina Petecio, Gabuco at Marcial sa pitong boxers na naka-gold para talunin ang perennial rival na Thailand sa overall title ng boxing.

Sa 13 events sa SEA Games, hindi nanalo ang Pinas sa isang division lamang.

Ito ang unang gold ni Petecio sa biennial meet matapos magkasya sa silver lamang mula 2011 hanggang 2015.

Nakuha naman ni Marcial ang kanyang ikatlong SEA Games gold medal habang ikalima naman ni Gabuco.

vuukle comment

ASSOCIATION OF BOXING AL-LIANCES IN THE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with