Tribute kay Kobe Bryant bago ang laro ng Lakers vs Portland
(Pang-masa) - February 1, 2020 - 12:00am

EL SEGUNDO, California — Bago mag-ensayo ang Los Angeles Lakers para sa kanilang unang game matapos ang pagpanaw ni Kobe Bryant ay naglaro sila sa park.

Naglaro ng soccer ang mga players kasama ang kanilang coaching staff at si general manager Rob Pelinka sa labas ng kanilang headquarters.

“It’s a beautiful day out, and there’s always therapeutic benefits to sunshine and being outside in fresh air,” wika ni Lakers coach Frank Vogel.

Ikinatuwa ng mga nagdaraan ang paglalaro ng mga players kasama si LeBron James para pansamantalang kalimutan ang trahedya.

Magbabalik ang La-kers sa court Staples Center para harapin ang bisitang Portland Trail Blazers sa una nilang laro matapos ang pagkamatay ni Bryant kasama ang anak na si Gianna at pito pang iba sa isang helicopter crash noong nakaraang Linggo.

Magdaraos ang La-kers ng isang pregame tribute para kay Bryant at kay Gianna pati sa iba pang mga biktima.

“I would imagine it probably makes it a little harder than an ordinary game with all the emotions and that stuff, but we shouldn’t do it any other way,” wika ni Vogel. “It’s the right thing to do, and an important night for our franchise and for Laker Nation.”

Nagretiro si Bryant noong 2016 matapos ang 20-year career sa Lakers.

Nanatili siyang franchise icon at pinanatili ang koneksyon sa mga team employees hanggang kay general ma-nager Rob Pelinka, ang longtime agent ng NBA superstar, at kay owner Jeanie Buss.

 

PORTLAND
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with