PRURide PH tatalakayin sa PSA ngayon
MANILA, Philippines — Tatalakyin sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ang darating na PRURide PH 2020 ngayon sa Amelie Hotel Manila.
Makakasama ni Pru Life UK SVP at Chief Marketing Officer Allan Tumbaga si race director Ian Alacar sa nasabing pang alas-10 ng umagang public sports program para sa event na nakatakda sa Marso 11-15 sa Clark, Pampanga.
Higit sa 2,500 cyclists ang inaasahang lalahok kasama ang 18 local at international professional teams na papadyak sa UCI 2.2 stage races na may basbas ng Union Cycliste Internationale (UCI).
Ang weekly session ay inihahandog ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Isang buwan mawawala ang PSA Forum para sa preparasyon at pagdaraos ng Annual PSA Awards Night sa Marso 6 sa Centennial Hall ng Manila Hotel.
Magbabalik ang sesyon sa ikalawang linggo ng Marso.
- Latest