^
James naungusan si Bryant sa scoring list

James naungusan si Bryant sa scoring list

(Pang-masa) - January 27, 2020 - 12:00am

PHILADELPHIA — Tuluyan nang nalampa­san ni LeBron James si Los Angeles Lakers great Kobe Bryant para sa No. 3 sa NBA career scoring list.

Subalit sinira naman ng 76ers ang gabi ni James nang talunin ang La­kers, 108-91.

May nakasulat na tri­bute kay Bryant sa kan­yang sapatos, inu­nahan ni James ang retiradong Los Angeles legend para sa third place sa NBA career scoring list.

“It’s cool to know that you have the support of one of the all-time greats that ever played this game and someone that you admired to be like on the floor,” sabi ni James, tumapos na may 29 points, 8 assists at 7 re­bounds. “And to do the things, winning cham­pionships, be young and be remembered.”

Tinapos ni James ang laro na may 33,655 points kasunod ang 33,643 ni Bryant sa NBA scoring list.

Isinulat ni James ang “Mamba 4 Life” sa kanyang sapatos bilang para­ngal kay Bryant, ang five-time champion.

Nalampasan ni James si Bryant nang isalpak ang milestone basket sa 7:23 minuto sa third period.

“Continuing to move the game forward @KingJames. Much respect my brother #33644,” wi­ka ni Bryant sa kanyang Twitter.

Pinamunuan naman ni Ben Simmons ang panalo ng Philadephia mula sa kanyang 29 points at 10 rebounds.

Umiskor din si Tobias Harris ng 29 markers para sa Sixers.

Sa Salt Lake City, humakot si Rudy Gobert ng 22 points, 17 rebounds at 5 blocks para tulungan ang Utah Jazz sa 112-107 come-from-behind victory laban sa Dallas Mave­ricks.

Humataw si Donovan Mitchell ng 25 points kasunod ang 23 markers ni Bojan Bogdanovic para sa Jazz.

Pinamunuan ni star guard Luka Doncic ang Mavericks mula sa kanyang 25 points.

Sa Minneapolis, ku­ma­mada si Dennis Schro­der ng 26 points kasunod ang 25 markers si Chris Paul para ihatid ang Ok­lahoma City Thunder sa 113-104 panalo sa Minne­sota Timberwolves.

Naglista si star center Karl-Anthony Towns ng 37 points para sa pa­nig ng Tim­berwolves.

Sa Cleveland, tumipa si Zach LaVine ng 44 points para pamunuan ang 118-106 panalo ng Chicago Bulls kontra sa Cavaliers.

Nagposte rin ang 6-foot-5 guard ng 10 rebounds at 8 assists.

Sa Boston, humugot si Kyrie Irving ng 17 sa kan­yang 45 points sa third quarter para akayin ang Brooklyn Nets sa 121-111 overtime win sa Detroit Pistons.

JAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with