Molde, Carlos, Dorog babalik na sa UP
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - January 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magbabalik sa University of the Philippines ang triple threat ng tropa na sina Isa Molde, Tots Carlos at Justine Dorog para laruin ang kanilang huling taon sa UAAP Season 82 women’s volleyball.

Kulang isang buwan bago ang pagbubukas ng inaabangan na collegiate volleyball, kinumpirma ng official Twitter account ng tropa ang pagbabalik ng tatlo kasama sina Jessma Ramos, Maristela Layug at Rem Cailing.

“Isa Molde, Tots Carlos, Justine Dorog, Jessma Ramos, Rem Cailing, and Maristela Layug are back to play for the UP Fighting Maroons this #UAAPSeason82! #ParaSaUP #LabanUP,” post sa Twitter.

Bukod sa pagbabalik ng ilang key players sa Diliman, makikilala na rin ang UP ngayong season bilang ‘Fighting Maroons’ kapalit sa dati nitong monicker na ‘Lady Maroons’.

Matandaan na napa-balita na hindi na gagamitin nina Carlos at Molde ang kanilang last playing year matapos mabigong makapasok sa semifinals ang UP noong season 81 at magkasya sa ikalimang puwesto tangan ang 6-8 na baraha.

Ngayong season ang huling pagkakataon ng dalawa na muling ibandera ang State U para makatungtong sa Final Four ng liga na huli nilang nadagit noong rookie year taong 2016.

Noong off season, napanood sina Molde, Carlos, Layug at Ramos sa Premier Volleyball League (PVL) sa ilalim ng Motolite habang si Cailing naman ay sa BanKo Perlas at sa Foton ng Philippine Superliga (PSL) si Dorog.

UAAP SEASON 82
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with