Alab Pilipinas may aasahan sa mga locals
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - January 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maaari na ring asahan ngayon ng Alab Pilipinas ang mga local aces sa kanilang kampanya sa 2019-2020 ASEAN Basketball League.

Taliwas sa mga unang laro ng Alab na pinangunahan ng world imports, sina Jeremiah Gray at Jason Brickman ang nagsalba sa Philippine contingent sa malaking road win kontra sa  Hong Kong Eastern, 77-76 kamakalawa ng gabi sa Southorn Stadium.

Nagtapos sa 10 puntos, limang rebounds at limang assists si Gray sahog pa ang tatlong supalpal kabilang na ang big block sa potential game-winning trey ni Jon Siu.

Si Brickman naman ang nagmando sa opensa ng Alab sa kanyang 2-puntos, 7-rebounds at season-high na 16 assists.

Magandang senyales ito para sa Alab na naghahangad ng tulong sa mga world imports nito upang mapanatili ang kalibre bilang isa sa top teams ngayong season.

Sa kabutihang palad, sumagot sa hamon ang locals lalo’t nagkasya lang sa 14 puntos ang debuting replacement import na si Prince Williams habang may 24 din si Nick King.

Tahimik din ang performance ni big man Sam Deguara na may 12 puntos at 7 rebounds para sa Alab na muntik nang malustay ang 19-puntos na kalamangan sa third quarter.

Umangat na ang Alab sa 6-3 kartada papasok sa krusyal na laban nito kontra sa lider na Mono Vampire (8-3) sa Caloocan Sports Center.

Pambawi ito sa 64-85 na pagkatalo ng SMB-Alab sa Singapore.

ALAB PILIPINAS ASEAN BASKETBALL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with