Pacquiao
25-taon na si Pacquiao sa boxing.
Chris Co (Pang-masa) - January 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Eksaktong 25 taon na ang nakalipas nang simulan ni eight-division world champion Manny Pacquiao ang kanyang boxing career.

Hindi na mabilang ang karangalang ibinigay ni Pacquiao para sa bansa. Hindi maikakaila na tunay na umangat ang bandila ng Pilipinas hindi lamang sa boxing industry maging sa buong mundo dahil kay Pacquiao.

Kaya naman naging emosyonal ang tubong General Santos City nang magbalik-tanaw ito mahigit dalawang dekadang pakikipagsapalaran sa boksing.

“January 22, 1995. 25 years ago today, I started my professional boxing career. I never imagined life would bring me to where I am now. I never dreamed of all the accomplishments my future would hold,” ani Pacquiao sa kanyang social media accounts.

Malaki ang naging papel ng boksing para kay Pacquiao.

Binago nito ang kanyang buhay-- mula sa dating isang kahig, isang tuka, itinuturing nang isa sa pinakamayaman sa Pilipinas si Pacquiao.

At lubos ang kanyang pasasalamat sa biyayang ibinigay sa kanya.

“Boxing changed my life forever. It lifted my family and I out of poverty, brought me places I never dreamed I would be, and provided me the opportunities to help others along the way,” ani Pacquiao.

Nagpasalamat ito sa lahat ng naniniwala sa kanyang kakayahan. Una na ang kanyang pamilya na saksi sa mga paghihirap na dinaanan nito.

Dugo’t pawis ang puhunan ngunit nanatili sa kanyang tabi ang bawat miyembro ng kanyang pamilya.

“However, I would not be where I am today if it were not for my family, who always stood beside me through the ups and downs; my coaches and team, who worked tirelessly to get us where we needed to be,” dagdag ni Pacquiao.

Lubos din ang pasasalamat ni Pacquiao sa mga kababayan nito na walang sawang sumusuporta sa bawat labang haharapin nito.

“My countrymen, who encou-raged me and allowed me the privilege to represent our beloved country--the Philippines; and to all my fans around the world, who continually cheered me on and supported me,” aniya.

May 25 taon na ang nakalipas ngunit nanatiling nakatayo si Pacquiao bitbit ang World Boxing Association (WBA) welterweight belt na nakahanda nitong depensahan sinuman ang iharap sa kanya.

“Manny ‘Pac-Man’ Pacquiao has made it this far because of you, so I dedicate this day to all of you that have been there for me these past 25 years. Thank you all so much and may God bless,” pagtatapos nito.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with