Evan Nelle iiwan na ang SBU para sa La Salle
Chris Co (Pang-masa) - January 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tuluyan nang nagtawid-bakod si San Beda University star Evan Nelle patungong De La Salle University upang tuldukan ang ilang linggong usap-usapan ukol sa kanyang paglipat.

Binasag ni Nelle ang pananahimik kahapon kung saan ilang malalapit na kaibigan at mahal sa buhay aniya ang kanyang kinonsulta bago ihayag ang kanyang pinal na desisyon.

“After giving this matter much though and consulting with those closest to me, I have decided to join the De La Salle University Green Archers,” ani Nelle sa isang statement na inilabas kahapon.

Nag-ugat ang tsismis ng paglipat ni Nelle matapos ilang beses na hindi sumipot ang 5-foot-11 guard sa ensayo ng Red Lions.

Nagpasalamat si Nelle sa buong San Beda community sa pag-aalaga sa kanya habang naglalaro ito suot ang pulang jersey.

“San Beda, thank you for being my home. This is not a goodbye. This just me getting out of my comfort zone,” aniya.

Nais ni Nelle na magkaroon ng bagong direksiyon ang kanyang basketball career matapos tulungan ang San Beda na umukit ng kampeonato sa juniors division at makapagbigay ng isang titulo at runner-up sa Red Lions sa seniors class.

“I need to chart a new path forward in my basketball journey. I have been with San Beda for the better part of the past decade, and my time with the Red Cubs and the Red Lions has significantly contri-buted to my development as an athlete,” ani Nelle.

Maganda ang rekord ni Nelle sa nakalipas na NCAA Season 95.

Pumangalawa ito sa MVP race sa likod ng kanyang katropang si Calvin Oftana at nagtala si Nelle ng averages na 10.2 points, 4.5 rebounds, 6.7 assists at 1.6 steals subalit bigo ang Red Lions na makumplaeto ang four-peat.

EVAN NELLE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with