Ang jump shot ni LeBron James ng Lakers laban kay James Harden ng Rockets.
Lakers pinabagsak ang Houston Rockets
(Pang-masa) - January 20, 2020 - 12:00am

HOUSTON — Sa huling limang minuto sa labanan, itinaas ni Anthony Davis ang kanyang hintuturo at hinikayat ang mga ng Rockets fans na sumigaw ng “Let’s go Lakers”.

Tila naging isang conductor ng malaking orchestra ang star forward ng Los Angeles Lakers sa nasabing sandali.

Pinatumba ng Lakers ang Rockets 124-115, sa pagsisimula ng kanilang five-game trip laban sa isa sa pinakamatinik na koponan sa Western Conference.

Nagposte ang dynamic duo ng Houston na sina Russell Westbrook at James Harden ng pinagsamang 69 points.

Ngunit binugbog sila ng Los Angeles sa third quarter para tuluyan nang kontrolin ang laro at angkinin ang tagumpay.

Umiskor si superstar LeBron James ng 31 points, habang may 23 at 20 mar­kers sina Kyle Kuzma, Kentavious Caldwell-Pope at Danny Green, ayon sa pagkakasunod, para sa panalo ng Lakers.

Bumangon ang Los Angeles mula sa naunang kabiguan sa Orlando Magic na tumapos sa kanilang nine-game winning streak.

“We hated the loss that we had the other night against Orlando,” gigil na wika ni James. “We had a couple days to just reshape, refocus and start the second half of the season the right way and we did that tonight.”

Ito ang pang-limang sunod na pagkakataon na hindi naglaro si Davis para sa Lakers bunga ng kanyang bruise buttocks.

Sa New York, humataw si Giannis Antetokounmpo ng 29 points at 12 rebounds, habang nagdagdag ng 20 markers si Khris Middleton para pamunuan ang Mil­waukee Bucks sa 117-97 paggupo sa Brooklyn Nets.

Pinaganda ng Bucks ang kanilang NBA best record na 38-6.

Ito ang ika-16 panalo ng Milwaukee sa kanilang 19 pagtatapat ng Brooklyn.

Tumapos si Kyrie Irving na may 17 points, 6 rebounds at 6 assists para sa Nets, nakahugot kay rookie reserve Nic Claxton ng 14 points at 6 boards.

Sa Oklahoma City, dinuplika ni Chris Paul ang kanyang season high na 30 points para tulungan ang Thunder na talunin ang Portland Trail Blazers, 119-106.

Nag-ambag si Shai Gilgeous-Alexander ng 22 points at may tig-15 markers sina Dennis Schroder at Nerlens Noel para sa Oklahoma City.

Sa San Francisco, naglista si guard D’Angelo Russell ng 26 points at season-high na 12 assists para tulungan ang Golden State Warriors sa 109-95 pagpapa­lugmok sa Orlando Magic.

Winakasan ng Warriors ang kanilang 10-game losing slump na pinakamahabang kamalasan sa loob ng 18 taon.

Nag-ambag naman si Jordan Poole ng 21 points at nagtala si Eric Paschall ng 20 points at 9 rebounds para sa Golden State, pinutol din ang nalasap na five-game losing skid sa kanilang tahanan.

 

LAKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with