Donaire-Inoue bout hinirang na ‘Fight of the Year’
Russell Cadayona (Pang-masa) - January 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinirang ang bantam­weight showdown nina Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. at Ja­panese star Naoya Inoue noong Nobyembre bilang ‘Fight of the Year’.

Ito ang inihayag ng Bo­xing Writers Association of America.

Tinalo ni Inoue si Do­naire via unanimous de­cision sa kanilang ma­tinding upakan noong Nob­yembre 7 sa Saitama Super Arena sa Japan.

Hindi umatras si Do­naire at nakipagsabayan kay Inoue simula umpisa hanggang sa huling segundo ng round 12.

Napabagsak ng Japanese fighter ang Filipino warrior sa 11th round.

Nakakuha si Inoue ng 117-109, 116-111 at 114-113 mula sa tatlong hu­rado at inangkin ang Muhammad Ali trophy sa kanyang panalo sa fi­nals ng World Boxing Super Series tournament.

Napagbigkis din ni Inoue ang mga WBA, IBF at The Ring Magazine bantamweight titles.

Hindi naman naka­pa­sa sa panlasa ng mga mi­yembro ng BWAA ang salpukan nina Manny Pacquiao at American slug­ger Keith Thurman.

Bukod sa Donaire-Inoue fight, naikunsidera rin ng BWAA para sa ‘Fight of the Year’ award ang mga upakan nina Gen­nadiy Golovkin at Ser­giy Derevyanchenko, ang laban nina Andy Ruiz at Andy Joshua, ang bakbakan nina Errol Spence Jr. at Shawn Por­ter at ang suntukan ni­­na Josh Taylor at Regis Pro­grais.

 

DONAIRE-INOUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with