Bataan nakaungos sa Navotas

MANILA, Philippines — Naungusan ng Bataan Risers ang matinding hamon ng Navotas Uni-Pak Sardines, 81-78, para manatili sa kotensyon sa top four sa North division sa elimination round ng Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season kamakalawa ng gabi sa Valenzuela Astrodome.

Ito ang ikaapat na sunod na pananalasa ng Risers para itaas ang kanilang kartada sa 18-9 kasalo ang fourth-ranked Bulacan Kuyas (18-9) kasunod ang Pampanga Giant Lanterns (17-9).

Nalasap naman ng sibak nang Clutch ang ikapitong kabiguan sa kanilang 27 laro.

Bumangon ang Bataan mula sa 11-point deficit sa first quarter bago naagaw ang kalamangan sa third quarter, 60-56.

Iniskor ni John Bryon Villarias ang 10 sa kanyang 16 points sa final canto para sa Camaya Coast-backed Risers at palamigin ang paghahabol ng Clutch.

Huling naghamon ang Navotas sa 78-80 mula sa triple ni Osama Abdurasad kasunod ang split ni Gino Jumao-as para sa 81-78 abante ng Bataan sa nalala-bing 11 segundo.

Pinamunuan ni Enrico John Llanto ang Risers sa kanyang 18 points, habang may 14 markers si James Darwin Casto.

Samantala, tinalo ng Valenzuela Classic ang Rizal Golden Coolers, 81-77, at dinaig ng Marikina Shoemasters ang Parañaque Patriots, 89-82.

Show comments