^
James pinunan ang pagkawala ni Davis

James pinunan ang pagkawala ni Davis

(Pang-masa) - January 12, 2020 - 12:00am

DALLAS — Sa pag-upo ni Anthony Davis, nakasuot ng jacket at jeans, sa Los Angeles Lakers bench at hindi nakalaro bunga ng bruised backside, napilitan ang pagod na si LeBron James na pamunuan ang kanilang atake.

May sakit din sina James at starting guard Avery Bradley bago harapin si NBA sensation Luka Doncic at ang Mavericks sa American Airlines Center.

Sa kabila nito ay nakapagtayo pa rin ang Lakers ng 22-point lead sa second quarter patu-ngo sa 129-114 paggupo sa Mavericks sa harap ng 20,542 fans.

“He still has the injury and is not ready to play,” sabi ni Los  Angeles head coach Frank Vogel kay Davis. “We’ll see how he is  tomorrow.”

Ito ang pinakahuling pagtutuos ng Los Angeles at Dallas sa regular season para sa mga Western Conference contenders.

Tumapos si James na may 35 points, 16 rebounds at 7 assists bagama’t masama ang pakiramdam.

Sumandal din ang Lakers kay Kyle Kuzma, sumalo sa trabaho ni Davis at umiskor ng season-high 26 points bukod pa sa 6 rebounds at 2 assists.

Sa Salt Lake City, humakot si Rudy Gobert ng 15 points, 13 rebounds at 6 blocked shots para banderahan ang Utah Jazz sa 109-92 panalo laban sa Charlotte Hornets.

Pinamunuan ni Fil-Am Jordan Clarkson ang Jazz sa kanyang 20 points mula sa bench habang may 16 at 15 markers sina Bojan Bogdanovic at Georges Niang, ayon sa pagkakasunod.

Sa Chicago, nagtala si Myles Turner ng mga season highs na 27 points at 14 rebounds para dalhin ang Indiana Pacers sa 116-105 panalo sa Bulls.

Humataw si Zach LaVine ng 43 points para sa Chicago na nakabangon mula sa 16-point deficit.

Sa Phoenix, tumipa si Devin Booker ng 24 points, kasama rito ang back-to-back 3-pointers, at isang steal at free throw ang iniambag ni Ricky Rubio para ihatid ang Suns sa 98-94 paglusot kontra sa Orlando Magic.

JAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with