Pinoy athletes nakatutok sa Olympic qualifying
Chris Co (Pang-masa) - January 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos ang 30th Southeast Asian Games ay mas matinding paghahanda ang ginagawa ng mga atleta dahil malala­king laban ang nakalinya sa taong ito.

Bumabandera na ang 2020 Olympic Games na sasambulat sa Hulyo sa Tokyo, Japan.

Target ng Pilipinas na tuldukan ang pitong de­­kadang pagkauhaw sa gin­tong medalya.

Unti-unti nang naglili­wanag ang pangarap na ito dahil may ilang world-class athletes na ang nakahandang tuparin ito.

Nasa unahan si world champion Carlos Edriel Yulo na nagkuwalipika sa Tokyo Olympics.

Nakahirit ng tiket sa Tokyo Games si Yulo ma­tapos ang matagumpay na kampanya sa 49th FIG World Men’s Artistic Gymnastics sa Stuttgart, Germany.

Pinagharian ni Yulo ang men’s floor exercise na parehong event na pi­naghahandaan niya sa Tok­yo Olympics.

Nariyan pa si Ernest John Obiena na unang na­kapasok sa 2020 Tokyo Games nang mama­yagpag sa isang torneo sa Chiara, Italy.

Bago ang Olympic Games ay sesentro ang atensyon ng mga Pinoy athletes sa iba’t ibang Olympic qualifying tournaments.

Isa na rito si 2016 Rio Olympics silver meda­list Hidilyn Diaz na sasabak sa dalawang natitirang qualifying event sa weightlifting.

Lalahok si Diaz sa Ene­ro 28 sa Italy kasunod ang huling quali­fying sa Abril sa Kazakhstan.

Magtatangka ring hu­mirit ng tiket sa Olympics ang boxing at taek­wondo teams.

SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with