Greatwall markado sa Condition Race

MANILA, Philippines — Markado ang Greatwall sa pagsalang nito sa Condition Race Merged category 10 ngayong araw sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Mga imported at tigasing local horses ang makakalaban ng Greatwall sa event na may distansyang 1,400 meter race pero tiyak na liyamado ito dahil mas malakas ang nilabanan nito sa huling takbo.

Kasali ang Greatwall sa 47th Presidential Gold Cup na pinagwagian ng Super Sonic, dumating lang ito ng pang-anim sa walong naglaban.

Ayon sa mga beteranong karerista, malakas ang inilabanan ng Greatwall kaya lamang ito sa kayang tatakbuhin ngayong alas-4:10 ng hapon.

Makakalaban ng Greatwall ang Ack, (USA), Le-monada, Hamlet, Rabbiosa, (Australia), Disyembreasais, Shanghai Noon at Certain To Win, (Australia).

Si reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the year awardee O’Neal Cortez ang rerenda sa Greatwall sa event na inisponsoran ng Phi-lippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Samantala, bago ang nasabing karera, ilalarga muna ang huling stakes race ng taon na 2019 PHILRACOM Juvenile Championship kung saan anim na kabayo ang kasali, kasama ang Union Bell na sasak-yan ni star jockey Jonathan Hernandez.

Ang iba pang naghahangad ng P1.5-M na premyo ay ang Puro Asset, Lucky Savings, Exponential, After Party at Our Secret.

Show comments