^

PM Sports

Marcelino sure na sa Alaska

Pang-masa
Marcelino sure na sa Alaska

MANILA, Philippines — Nasiguro ng Alaska ang serbisyo ni rookie Jaycee Marcelino matapos itong papirmahan sa dalawang taong kontrata simula sa 2020 PBA Season sa Pebrero.

Inaasahang kikita agad ang Lyceum product ng hanggang P100, 000 sa unang taon at puwede pang tumaas sa ikalawang taon ng kanyang deal sa Alaska.

Napili si Marcelino sa second round pick ng katatapos lang na 2019 PBA Rookie Draft noong nakaraang linggo.

Malaking tulong ang pagdating ng palabang guwardiya na si Marcelino sa patuloy na rebuilding process ng Aces sa ilalim ni coach Jeff Cariaso.

Makakasama niya sa backcourt ng Alaska sina Simon Enciso, Mave-rick Ahanmisi at beteranong guard na si JVee Casio kasunod ng pagkaka-trade ni Chris Banchero tungo sa Magnolia ngayong 2019 PBA Go-vernors’ Cup.

Samantala, pumirma rin ng two-year extension si Kevin Racal para sa Aces.

Dating stalwart ng Letran si Racal na napili ng Alaska bilang 11th pick noong 2015 PBA Rookie Draft.

Isang taong extension din ang napagkasunduan ng Alaska at ni Yutien Andrada.

Inaasahan ang malaking tulong ng dalawa lalo’t iindahin ng Aces ang pagkawala ni Noy Baclao na nadale ng ACL injury ngayong season-ending conference.

 

MARCELINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with