^

PM Sports

Bronze inihabol ng Philippine beach ball

Pang-masa

MANILA, Philippines – Opisyal na tinuldukan ng Pilipinas ang makasaysa-yang kampanya nito sa 30th SEA Games sa isang di-senteng bronze medal finish sa huling event na beach handball kahapon ng umaga dito sa Subic Tennis Court.

Yumukod ang Nationals kontra sa Thailand, 18-19 at 16-21, sa silver medal match upang magkasya lang sa bronze medal sa kanilang kauna-unahang sali sa beach handball event ng biennial meet.

Dumagdag ang bronze medal ng Filipino beach ballers sa 120 na tansong medalya ng Pinas sahog pa ang 117 na pilak at 149 na gintong medalya na siyang pinakamarami sa kasaysayan ng bansa upang maging overall champion ng SEA Games sa unang beses simula 2005.

Bulto dito ang nanggaling sa Subic Bay sa pangu-nguna na ng apat ginto ng Philippine triathlon team na winalis ang lahat ng karibal sa naturang kompetisyon.

Kumaripas sa makasaysayang unang gintong medalya ng Pinas at ng buong SEA Games si John Leerams “Rambo” Chicano nang maghari sa men’s individual triathlon.

Sinundan naman siya ni Kim Mangrobang na nag-reyna rin sa women’s individual triathlon habang si Monica Torres ang nanalo sa duathlong.

Kalaunan, sinamahan nina Mangrobang at Chicano sina Fernando Casares at Maria Claire Adorna para sa titulo ng triathlon mixed relay.

Tigatlong medalya naman ang ambag ng muay thai, sailing at rowing habang tig-dalawang gintong medalya ang kontribusyon ng modern pentathlon, windsurfing at sepak takraw.

Nakasiguro ng isang ginto sa windsurfing, isa sa shooting, isa sa pencak silat at isa rin sa canoe-kayak.

Pinakabumida sa Subic Bay gold medalists si Melcah Jen Caballero na sumagwan ng dalawang ginto sa rowing gayundin sina Chicano at Mangroban na may tig-dalawa rin sa triathlon.

 

vuukle comment

PHILIPPINE BEACH BALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with